Lunes, Hunyo 9, 2014



Ako? Sino ba talaga ako pagdating sa pakikipaghalubilo sa mga tao? Ano ako bilang isang Anak at kapatid? Ano ako bilang isang Kaibigan? Teka. Magpapakilala muna ako. Ako po si Joanna Dea Mamuyac. Isang simpleng taong may simpleng pamumuhay, madaming pangarap hindi lang sa sarili kundi pati narin sa pamilya. Madaming gusto sa buhay na hindi na alam kung pano makukuha lahat iyon. Madaming gustong makamit, Madaming gustong malaman.
Ako bilang isang anak at kapatid? madami akong pangarap para sa mga magulang ko, na sa sobrang dami hindi ko na alam kung pano ko magagawa lahat yun. Sa totoo lang, hindi naman ako ganun ka "sipag" na anak. tamad ako, minsan pa nga pag wala ako sa mood paladabog pa ako pag inuutusan. madami akong reklamo. malabo akong tao. Pero, kahit ganun ako. hindi naman nawawala yung respeto ko sa mga magulang ko. kahit hindi ko nasasabi yung mga dapat sabihin sa kanila, alam ko kung saan ako dapat. sa mga kapatid ko, sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila. Sa pagiging supportive every time na may problema ako. sila nga lang nasasabihan ko ng ibang secrets ko eh. pagdating sa crushes, kapag minsan may sama ako ng loob. palagi silang nandyan para masabihan ko. hindi naman kasi ako ganun palakwento sa mga magulang ko, kasi nahihiya ako at baka mapagalitan lang ako.
Kaibigan? Mahalaga sa'kin ang mga kaibigan ko. SOBRA. Ako kasi yung tipo ng tao na nagte-treasure ng friendship. Mabait akong kaibigan kung mabait ka sa'kin. Alam ng mga kaibigan ko kung sino talaga ako. Alam nila kung anong ayaw ko sa gusto ko. Alam nila kung anong weaknesses and strengths ko bilang isang tao. Ako yung tipo ng kaibigan na nagseselos pag may ibang kasama ang mga kaibigan mo, madali ako masaktan lalo na kapag nag-aaway kami ng mga kaibigan ko. Pero ako rin naman yung sobrang sweet, yung itinuturing ko nang parang tunay na mga kapatid ang mga best friends ko.
Ako bilang kaklase, ako yung kaklase na mabait pag mabait rin sila saakin. Palabigay ako pag may mga humihingi saakin ng papers o may mga humihiram ng mga gamit ko. Ako po yung estudyante na nilulugar ang sarili. Kapag aral, aral. Wala yang kaibikaibigan saakin. Ayaw ko yung kinokopya ang mga sagot ko, kasi pinag hirapan ko tapos kokopyahin lang nila? Bawal po yun. Ako rin po yung estudyante na pag may  nakaaway na kaklase pinapabayaan nalang, pero pag sumobra naman na po sila yung tipong pati pamilya mo dinadamay na. dun na po ako lumalaban. Kasi pwede nila ko bastosin, pero wag lang ang pamilya ko kasi private na yun. Yun lang po J salamat.

1 komento:

  1. Casino - Dr.MCD
    Hotel and Casino Dr.MCD 하남 출장안마 provides free daily 충청남도 출장샵 entertainment with a variety of guestrooms, 진주 출장마사지 restaurants, 통영 출장안마 and nightlife options for guests  Rating: 3.4 · 남양주 출장마사지 ‎3 reviews

    TumugonBurahin